Bughaw ang Kulay ng Langit

Malakas lang ang ulan kaya hindi halata....

Saturday, January 15, 2005

Pasensya na, sarili ko lang ang iniisip ko

Ilang buwan na rin akong ganito
hindi ko alam ngunit napapansin kong
unti unti nang nagbabago ang ako...
hindi ko na matagpuan pa ngayon ang dating
mga ngiti na sa tuwing umaga na lang
ay masuyo at matamis na bumabati sa akin
sa harap ng salamin
mahaba man ang tulog o hindi...

hindi ko na rin naririnig ang mga matang
sa tuwi-tuwina'y umaawit upang
batiin ang panibagong umaga...
wala na ang pisnging humpak man
ay malusog naman sa pagmamahal...

nasaan, nasaan...
ilang buwan na rin mula nang
huli kong masilayan...

bakit hindi ko magawang ibalik muli
ang larawang iyon?
dahil ba ako'y nalulunod sa pighati?
na kung itatabi mo sa dinaranas ng iba'y
para kang nagkumpara ng araw sa kalawakan...
araw ang sa akin, ang sa iba'y kalawakan
na maituturing na bulong ang aking hiyaw
kung itutulad sa kanilang pagtangis...

nasaan, nasaan...
sa isang karampot na kabiguan
bakit hindi ko magawang ipagpatuloy
ang buhay
na nananatiling maganda ang
pananaw sa bawat araw...

nasaan, nasaan...
ang aking tiwalang nagkalamat
dahil lamang sa kaunting pagsubok

...

bakit ba sarili ko na lang lagi
ang iniisip ko?

...

ah... wala naman kasing ibang mag-iisip pa
sa akin

...

sila ma'y sarili rin lang nila ang
iniisip

...

silang nanakit, silang nagtaksil

...

maging silang mga biktima

...

iniisip ko rin sila... kaya higit
akong nasasaktan

...

nasasaktan ako dahil iniisip ko rin
ang sarili ko

...

pasensya na...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home