Bughaw ang Kulay ng Langit

Malakas lang ang ulan kaya hindi halata....

Saturday, March 19, 2005

kasama ko siya sa gitna ng aking pag-iisa...

hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon
nagpaalam na siya noong isang gabi
lumuha ako ng husto
halos mabingi ako sa lakas ng aking hikbi
at nasaid kinabukasan ang lahat ng tubig na nakatago sa aking katawan
nakapagtataka...
hindi na ako maiyak... sa sobrang sakit...
samantalang ilang buwan ko na ring naging panauhin ang mga patak ng luha
...noong nagababakasakali akong may pag-asa pa
at ngayong tapos na nga
natigil na rin sa pagdalaw ang aking gabihang bisita
at parang masaya ako
dahil natagpuan na rin niya sa wakas ang dati pa niya dapat nakita
hindi man tiyak kung yun na talaga ang kanyang desisyon
panatag akong wala ng babagabag pa sa kanya
at ako nga'y magpapakalyo na
malayung-malayo...
hindi ko na siya guguluhin...
hindi ko hahayaang masaksihan niya ang pagkawasak ng aking mundo
ang mundong nabuo dahil sa kanya...
kakalimutan ko siya
kakalimutan ko ang lahat ng nagpapaalala sa kanya
maglulunoy ako sa dagat nang nakapiring ang aking mga mata
titingalain ko ang langit nang hindi nasisilayan ang kanyang kulay
magiging bulag ako sa kinang ng kanyang alaala
magiging bingi ako sa mga musikang umaawit ng kanyang pag-ibig
sisikapin kong 'wag banggitin ang kanyang pangalan
tatakpan ko ang aking ilong 'wag lang malanghap ang halimuyak ng kanyang gunita
at sa kabila ng ganito kahirap na mga pagsisikap,
alam ko, mawala man ang mga luha,
tuluyan man akong walang maramdaman,
habang humihinga ako, patuloy pa rin ang pagtibok ng aking puso
at alam kong hindi ko magagawang ito'y pahintuin
kahit pa nga sa bawat kabog ay unti-unti itong bumibitak
dahil hindi ko man tanggapin, narito pa rin siya...
umiinog ng buong buhay...
naririto sa aking tabi.. at sa'n man ako magpunta...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home