Bughaw ang Kulay ng Langit

Malakas lang ang ulan kaya hindi halata....

Monday, June 20, 2005

KAY MIONG


(Si Dimasilaw nasilaw sa kinang ng kanyang kariktan)

Maaaring nawala na ang pagmamahal mo sa akin.
Maaaring sawa ka na.
Ako man ang may kasalanan o hindi,
nawala na ang pag-ibig mo.Isa na lamang ako sa kanila.
Isang dating kasama, isang kakilala.
Ako na lang ang dati mong sinta.
Isang ordinaryong ako.
May halaga pa man ako sa iyo’y,
hindi na ito kasingtingkad ng dati.
Nawala na ang iyong pagmamahal.
Sige at kunin mula sa akin.Ialay mo na sa iba.
Tanggap ko nang wala na ito sa aking mga kamay.
Pero sana’y itira mo ang mga alaala.
Alaala ng isang bagay na akin sa isang panahon.
Iwan mo ang panahong iyon na mahal mo ako.
Kahit man lang sa aking alaala…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home