Bughaw ang Kulay ng Langit

Malakas lang ang ulan kaya hindi halata....

Friday, June 17, 2005

Kinilig daw ako sa ending ng all about eve...






Ayus...
Sa wakas tapos na ang aking gabi-gabing pagpupuyat masubaybayan lang ang nasabing palabas...
sumasama kasi ang loob ko pag di ko napapanood ang all about eve. ewan ko ba. masyado akong apektado sa pag-aaway nila erika at nicole. masyado akong apektado sa kanya-kanyang pag-ibig, katangahan, kamartiran, at problema ng bawat tauhan... nitong nakaraan dalawang buwan, tila uminog ang buong gabi ko sa paghihintay ng oras kung kailan pinapalabas na ang all about eve... isa ako sa mga nabaliw dito... at hindi pa ako kuntento sa panonood... pramiz, asahan niyong kinabukasan, ikukuwento ko sa mga opismates ko kung anong nangyari. kakatwa dahil pare-pareho naman kameng nanood...hahahahaha

at hayun nga... nagpropose si kenneth kay nicole sa kalagitnaan ng daan. kainis sila pramiz... ibig bang sabihin na sa buong panahon na sila'y nagkasama, nagkasamaan ng loob, at kung anu-ano pang kakiligang naganap, may mga pagkakataon pa palang nagkaka-ilangan sila... eh bakit ganun? labs naman nila nag isa't-isa... i can't get it, really.... pero ayus lang naman... predictable just like any other soaps... siyempre sa huli, yung kontrabida, maaaring mamatay, magbagong buhay, or magpretend na may amnesia. then, yung mga goody goody at magka partner na talaga ay magkakatuluyan with all the kilig effects... diba bongga...

hayyy.... basta ngayun ang masasabi ko, makakatulog na rin ako ng bandang nine... ngaun, ang proproblemahin ko na lang ay ang engkantadia at kampanerang kuba...

ISA AKONG BADUY NA TAO....e anu?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home