Bughaw ang Kulay ng Langit

Malakas lang ang ulan kaya hindi halata....

Saturday, July 02, 2005

We have just discovered a gold mine

...been always discovering one.

kasama ko ang kuba at ang isang malabo ang mata kanina upang sana ay dumalo sa poetry reading ng cegp... ngunit, unfortunately, hindi natuloy ang nasabing programa ng diumano...harharhar... pero in fairness sa pangyayari, hindi naman nauwi sa wala ang pagpunta namen dun... panu kase, ang ganda ng place... shaks... gustong gusto ko sa place na yun. sabi ko nga, this is how i want my future bookstore to look like... very cozy ang atmosphere... ang ganda ng music... ang sarap ng coffee... ang baet ng mga tao... at sana laging ganun ang mundo..

ayaw ko na dito sa bahay.. putang-inang buhay ito! putang-inang bahay ito! kung pwede lang murahin ang mga tao dito ng putang-ina, siguro nagawa ko na... gusto ko ng lumayas. gusto ko ng umalis dito. sana itakwil na lang ako ng mga magulang ko... palayasin... isumpa... hindi yung ganito... kung ganito rin lang... putang-ina pala...
MAHUSAY NA AKONG MAGMURA NGAYON... ISA ITO SA MGA NATUTUNAN KO SA BUHAY... sa totoo lang, hindi naman talaga ko paramura... ni minsan, hindi naging welcome sa bahay ang pagmumura. hindi ko rin kailanman naringgan ang nanay kong magmura. at hanggang highschool, tinularan ko siya. sobra akong nagiguilty pag may nabibigkas akong bad words. kadalasan pa nga, nagsosorry ako kay Lord ng palihim kapag may nababanggit akong masama. anong nangyari sa akin?
...hindi ko alam... nagising na lang ako isang araw na binibigkas ang isang malutong na PUTANG-INA! at simula noon ay parang natural na sa akin ang salitang yun. na parang sanay akong ito ang inihahain sa hapag sa twinang ako'y kakain. ang nakapagtataka, nauumid ang dila ko sa mura pag nasa bahay na ako. siguro dahil hanggang ngayon ay dala ko parin ang takot na mahuling nagmumura... kasi nga hindi ito allowed within the premises of our home not so sweet anymore home. pero sa tuwing parang gustong sumabog ng dibdib ko sa sobrang sama ng loob, napapamura ako ng palihim. at kapag ginagawa ko iyon ng palihim, parang may malaki at mabigat na bagay ang lalong nagpupumiglas mula sa aking kalooban... totoo, iba kase ang relief na nahahatid ng mura kapag ikaw ay galit... ngunit masama nga raw yun... sa palagay ko, hindi nga talaga makatarungan sa taong minumura mo ang pagsalitaan mo siya ng ganun. that's very degrading and demeaning... ngunit sa bugso ng damdamin, maiisip mo pa ba ang mararamdaman ng taong minumura mo? isa pa, masarap magmura, pramiz... pero isa ito sa mga bagay na gusto kong tanggalin sa sistema ko...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home