Bughaw ang Kulay ng Langit

Malakas lang ang ulan kaya hindi halata....

Sunday, May 08, 2005

makulay ang buhay...

wala lang... feel ko lang makulay siya...
nagkaroon kasi ng pagkakataong malabo ang tingin ko sa paligid...
transluscent...
kaya parang lahat ng kulay ay nagfade out...
i am thankful at medyo lumilinaw na ang aking paningin..
nga ba?
hahahaha
pinipilit kong luminaw ang aking paningin...
hindi ko nga actually alam kung ano ang ginagawa ko...
nahihirapan ako... alam ko ring nahihirapan siya...
pero paano? ipagpapatuloy pa rin ba namin?
nagsanga sanga na ang aming mga daan...
bawat hakbang namin ay palayo sa isa't isa...
mapapaglapit pa ba namin ang aming mga damdamin?
.. ang hirap hirap...
gusto ko na talagang lumayo... lumayo sa mga bagay nagpapaalala sa kanya...
ngunit siya naman ang lumalapit...
at nalalaman ko, sa oras na lumambot ang puso ko,
mangyayari na naman ang naganap noon...
masasaktan na naman ako... at ayoko na...
(as if hindi ako nasasaktan sa ginagawa ko ngayon)
pero at least, ngayon, alam kong may patutunguhan ang ginagawa ko...
paglimot, sana lang...
gusto ko na siyang kalimutan....

..... nalalaman mo ba, mahal?
ayoko na.....
ayusin mo muna ang buhay mo...
alam ko namang babalik ka...
sana sa iyong pagbabalik, sigurado ka na....
mahal na mahal kita...
hangad ko ang iyong kabutihan...