Bughaw ang Kulay ng Langit

Malakas lang ang ulan kaya hindi halata....

Saturday, March 26, 2005

Kung sana hindi ako takot sa bundok

March 24... madaling araw... tumulak kami ng aking kaibigan papuntang dolores, quezon...
hindi namin alam ang daan. malakas lang talaga ang loob ko na maghanap ng mga lugar kahit pa nga hindi ko alam...
okay lang naman. kakaungin naman kami ng iba pa naming kasama sa may paanan ng bundok...
masaya... ang totoo, hindi na nga mapakali ang kasama ko sa sobrang pananabik...
aba, minsan lang naman kasi kami makawala sa sentralisadong kwartong pinaglulunggaan namin siyam na oras isang araw, anim na araw isang linggo...
minsan lang naman namin matikman ang sariwang simoy ng hangin at init ng nagbabagang araw...
at heto na nga kami... salamt at hindi kami naligaw... ang sabi ko nga, magaling ako sa paghahanap ng hindi ko alam.
ang saya... ang dami kong nakikita... marami rin naman silang aakyat... tangan ang mga bagaheng mas malalaki pa sa kanila... tulad ko... na doble ang laki ng gamit sa katawan ko... ayos lang... todo porma nga ang lola mo...
at heto na nga... kami'y aakyat na...
hindi ko na maawat ang aking kasama... para siyang ibon na nagsasasayaw sa sobrang kagalakan...
parang ako... hindi ko lang maipakita ang nadarama ko nang aking masilayan ang luntiang kabundukan...
bakit nga ba? may naalala kasi ako...
bawat masalubong, makausap, makatawanan, makilala ko, mukha niya ang aking nakikita...
may alaalang hinahatid ang bawat paggalaw ng mga puno sa ihip ng hangin...
may mensaheng pansalubong ang matarik na daan...
kung sana'y hindi kalungkutan ang bati sa akin ng parang, sana'y naging lubos ang aking kasiyahan...
bawat lingon ko, isangmukha lang ang nakikita ko...
may sakit na nga ata ako...
siguro, hindi ko na muna papangarapin ang kapayapaan ng kabundukan hangga't wala pang kapayapaan sa aking kalooban...

Saturday, March 19, 2005

kasama ko siya sa gitna ng aking pag-iisa...

hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon
nagpaalam na siya noong isang gabi
lumuha ako ng husto
halos mabingi ako sa lakas ng aking hikbi
at nasaid kinabukasan ang lahat ng tubig na nakatago sa aking katawan
nakapagtataka...
hindi na ako maiyak... sa sobrang sakit...
samantalang ilang buwan ko na ring naging panauhin ang mga patak ng luha
...noong nagababakasakali akong may pag-asa pa
at ngayong tapos na nga
natigil na rin sa pagdalaw ang aking gabihang bisita
at parang masaya ako
dahil natagpuan na rin niya sa wakas ang dati pa niya dapat nakita
hindi man tiyak kung yun na talaga ang kanyang desisyon
panatag akong wala ng babagabag pa sa kanya
at ako nga'y magpapakalyo na
malayung-malayo...
hindi ko na siya guguluhin...
hindi ko hahayaang masaksihan niya ang pagkawasak ng aking mundo
ang mundong nabuo dahil sa kanya...
kakalimutan ko siya
kakalimutan ko ang lahat ng nagpapaalala sa kanya
maglulunoy ako sa dagat nang nakapiring ang aking mga mata
titingalain ko ang langit nang hindi nasisilayan ang kanyang kulay
magiging bulag ako sa kinang ng kanyang alaala
magiging bingi ako sa mga musikang umaawit ng kanyang pag-ibig
sisikapin kong 'wag banggitin ang kanyang pangalan
tatakpan ko ang aking ilong 'wag lang malanghap ang halimuyak ng kanyang gunita
at sa kabila ng ganito kahirap na mga pagsisikap,
alam ko, mawala man ang mga luha,
tuluyan man akong walang maramdaman,
habang humihinga ako, patuloy pa rin ang pagtibok ng aking puso
at alam kong hindi ko magagawang ito'y pahintuin
kahit pa nga sa bawat kabog ay unti-unti itong bumibitak
dahil hindi ko man tanggapin, narito pa rin siya...
umiinog ng buong buhay...
naririto sa aking tabi.. at sa'n man ako magpunta...

Sunday, March 13, 2005

I really hate surprises...

it doesn't give me the joy of anticipation...

Urghh... kalahati na lang sana ng donut ang dapat kong ubusin bago ko masabing busog na ako...
Kaso nabitin ang aking pagnguya gawa ng imaheng iniluwa ng aming pintuan...
Hindi man ako nabigla, o nagtaka kaya, aaminin kong ikinatuwa ko ang pagkakita sa kanya.
Naroon pa rin ang hinampo, oo, hindi agad mawawala iyon
At gusto kong saluduhan ang aking sarili sa matikas na pagkukubli ng damdamin...
Pero... hayan na siya, sa aking harapan... Litaw ang magagandang niyang ngipin sa tila nanginginig na pagkakangiti sa akin...
Nangungusap ang kanyang mga mata nang akin siyang matitigan
At sa wakas pumasok sa aking katinuan na siya nga'y nasa akin nang harapan...
...Nagbalik na siya... Ngunit hindi rin magtatagal...
'Di man lang kasi nagpasabi...
Eh 'di sana'y napasundo ko man lang ng karuwahe
Sana'y hindi na siya hinihingal pa sa pagod ng humarap sa akin
Sana'y hindi siya nakatulog habang pinapatay ang oras sa paghihintay ng muli niyang pag-alis
Sana'y nakapag-usap man lang kami... at muli ay nakapaghabi ng mga pangarap para sa aming dalawa...
O sinadya niya talaga ang lahat... dahil wala ng pangarap pang hahabihin?

Saturday, March 12, 2005

Leaving Neverland...

I don't know but I am confused..
Much as I want to keep the old times
I still have to let them go...
I, also, must go
Can't stay here forever
Must move on...
Continue living
Search for another world
Though the roads may be cruel
But I must not stop looking
...
There is another world
Besides Neverland...
And, I must get acquainted to it now...
...
Goodbye Peter Pan
Goodbye Neverland
...
I'll turn my back now
to Fantasyland...