Bughaw ang Kulay ng Langit

Malakas lang ang ulan kaya hindi halata....

Tuesday, April 26, 2005

Anong Uring Pagsinta?

Umalis siyang walang paalam
Nawala ng kay tagal
Walang pasabi, walang liham
Ito ba’y pagmamahal

Siya pala’y nakabalik na
Bakit niya nililihim
Kung ano at nasaan siya
Di man lang iparating

Anong uring pagsinta
Anong pag-ibig mayron siya
Anong uring pagsinta
Ang naroon sa puso niya

Anong uring pagsinta
Anong pag-ibig mayron siya
Parang mumunting bula
Pagsalo’y nawawala

Bakit pa ako umaasa
Umaasang huwag sana
Sana’y huwag na huwag nawa
Na ako’y nilimot na

Bakit pa ako umaasa
Nangangarap ng gising
Sa badha ng bituin
Na kami’y kami pa rin

Bakit pa nananalanging
Naroon pa ang pagsinta
Bakit di pa haraping
Siya ay malayo na

Bakit di pa aaminin
Bakit di pa tanggaping
Wala na siya...

Saturday, April 23, 2005

Balisa...

balisa...balisa...balisa...
para akong pusang 'di makali...
kainis... pagod na ako... ang dami atang gawain sa opisina...
ni hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko...
ngunit bakit parang ayaw ko pang umuwi?
parang may kung anong humihila sa akin na pumunta sa kung saan.
ang nakakatawa, hindi ko alam kung nasaan yung aking pupuntahan.
tila magneto itong inaakit akong dumaan doon.
upang tumingin-tingin... upang magmasid.. upang may hanapin?
ano ba ang meron dun?
bakit ganun na lang ang kasabikan ko sa lugar na yun?
.... sigurado namang malulungkot lang ako pagdating dun
pano, tiyak na maraming bagay na naman ang magpapaalala sakin
ng mga masasaya at malulungkot na kaganapan...
hindi... hindi ako malilibang doon...
hayyyyyyy...
pagod na ko...

Wednesday, April 20, 2005

pwede namang magsorry hindi ba?

"Okay lang. Naiintindihan ko naman ang trabaho niyo. Okay lang naman na si sir ang unahin niyo."

Ouch... pasensya na... pasensya na kung may mga bagay kaming nakalimutan dahil lamang sa kawindangan sa trabaho.
pasensya na kung nawala sa isip naming tumatakbo pala ang oras masira man ang baterya ng relo...
pasensya na kung nalimutan naming nagugutom pala ang tao pagdating ng alas-dose ng tanghali at kailangan ng kumain...
pasensya na kung hindi ka namin nakita...
pasensya na kung hindi ka namin narinig...
tama ka, si sir ang inuuna namin...
bakit?
dahil iniisip namin ang aming pamilyang aming sinusuportahan
dahil inaalala namin kung paano rin namin susuportahan ang aming sarili sa mga susunod na araw
dahil nais pa naming magtagal ang ating pagsasama...
hindi lamang para kay sir ito...
higit, para ito sa aming pamily, sa aming sarili, at para sa inyo... sa iyo...
pasensya na... tatapusin lang muna namin ito... mamamaya, kakain na tayo...

Monday, April 18, 2005

i am drugs

bad trip ako ngaun sa nationwide strike...
oops,sorry po sa mga kasama...
naiintindihan ko po ang inyong mga karaingan...
sinasabi ko, kaisa niyo ako sa inyong mga laban.
siguro nga ay oras na talagang kumilos.
nang kahit ang pinakamahinang bulong
ay sa wakas marinig nang mga nagbibingi-bingihan...
hirap na hirap na tayo...
sala-salabat na ang problema natin..
at kailangan na nga nating iparating ang ating kalagayan...

NGUNIT...

naisip po ba natin na ang numero unong nahihirapanat napeperwisyo
ng ganitong malawakang strikeay tayu-tayo ring mahihirap?
maraming manggagawa ang naantala sa pagpasok sa kani-kanilang tanggapan
ilang minuto ang nasayang sa kanilang oras
ilang minuto na ang katumbas sana ay isang kilo ng bigas na
maihahain pa sa pamilya
maraming karaniwang mamamayan ang napilitang maglakad ng mahaba
para makauwi na parang hindi pa hapo ang kanilang katawan
sa maghapong pagbabanat ng buto
may ibang napilitang magbayad ng higit pa sa nararapat sa mga mapagsamantalang kapwa
wag lang mahirapang makauwi...
At sila... sila na dapat makaramdam kung gaano na tayo naghihirap
nasaan sila?
hayun... sakay ng kani-kanilang magagarang sasakyan
habang binabaybay ang malawak na kalsadang pinagtampuhan ng mga jip...
sa palagay po ba natin ay naunawaan nila ang nais nating iparating?
baka nga sila pa'y bumabiyahe ng may ngiti sa labi
gawa ng maluwang na trapiko
pagkatapos ng strike...

matapos maraming kapwa natin ordinaryong taoang napagod at naabala...
anong pagbabago ba ang ating inaasahan?

Sunday, April 10, 2005

Let me sleep forever.. and be with you...

Let me sleep
For when I sleep I dream that you're here
You're mine and all my fears are left behind
I float on air
The nightingale sings gentle lullabys
So let me close my eyes
And sleep, a chance to dream
So I can see the face I long to touch, to kiss
But only dreams can bring me this
So let the moon shine softly on the boy I long to see
And maybe when he dreams he'll dream of me
I hide beneath the clouds and whisper to the evening stars
They tell me love is just a dream away, dream away
A dream away
So let the moon shine softly on the boy I long to see
And maybe when he dreams he'll dream of me
Oh dream of me

Thursday, April 07, 2005

sana bulag ako

hay...
nakita ko siya...
hindi siya
iba...
pero parang siya
at parang biglang lumakas
ang air con
nanginig na naman ako
ilan pa kayang tao
ang kamukha niya?
ilan pa kaya sa kanila
ang masasalubong ko
nang hindi sinasadya?
ayaw ko na
subukan ko kayang alamin
ang lasa ng eskinol?

ano ang lasa ng eskinol?

nabalitaan ko...
nung isang gabi lang
ang daming nagkagulo
'di nila malaman ang dapat gawin
'di alam kung san dadalhin
ang dami pa kasing sinasabi
sabay sabay ang buka ng bibig
wala naman ni isa
ang nakikinig
ni walang nagmamasid
bawat isa ay may suhistyon
dapat ganito, dapat ganun
eto ang madali
'yang sayo ang mali...
nakakarindi na...
sobrang bigat na sa tenga
ang daming bumubulong
wala naman silang nakikita...
aba, teka... heka lang!
sino sa inyo ang umubos ng eskinol?