Bughaw ang Kulay ng Langit

Malakas lang ang ulan kaya hindi halata....

Thursday, July 14, 2005

Isinilang ako sa mismong araw na ito 24 years ago...

Base sa aking nakalap na impormasyon: July 14, 1898 nang may kung anung naisipang itatag si Pres. Emilio Aguinaldo.... naforget ko na kung anu yun actually... Makalipas ang ilang taon, July 14 din nang magpakasal ang kauna-unahan nating pangulo sa ikalawa niyang asaw na siyang diumano ay nagburda at nagtahi ng ating watawat sa hongkong... Ang pinakagusto ko talaga... July 14, 1789 nang sinugod ng galit na masa ang bastille thus the start of the French Revolution... Actually, kaya ko lang naman gusto ang French Revolution ay dahil kay Queen Marie Antoinette... Natutuwa kasi ako sa wit niya...Ya know... she was actually wondering why people were so angry that they wanted to overthrow the king and queen. somebody from behind her replied, "coz they don't have bread to eat." The queen, shocked at such response, said, "Oh my, give them cakes then!" Nice noh? hehehehe.

And so, kaarawan ko nga po ngayon. eh anu naman? wala lang. parang nagdaan lang. parang gumising ako kaninang umaga at matutulog na naman ako mamaya pagkatapos ng enkantadia...

Isang taon na naman ang nadagdag sa aking buhay. isang taon ng pag-asa upang mapunuan ko ang mga pagkukulang ko sa aking sarili at minamahal ko sa buhay ng nakaraang taon. ibig sabihin, hindi pa huli para sa akin ang lahat. hangga't bumibilang ang taon sa aking buhay, may pag-asa pa... pero, hanggang doon na lang ba ako? sa pag-asa? pag-asa saan? hayayay...

Kahapon, isang rally ang naganap sa ayala... at katulad ng aking kaarawan ngayon, para lamang siyang nagdaan... ayun, wala lang talaga... mga pilipino, umaasa pa ba tayo na mapapabuti ng pagrarali ang ating buhay? oo, naroroon na tayo sa paglabas ng ating mga saloobin... ang pagpaparinig ng ating mga hiyaw at daing sa nais nating patamaan nito. pagkatapos, anu? may nabago? natamaan naman ba? prends, pipol, and kawntrimen, nakatawid na nga tayo ng edsa, nakarating na tayo ng ayala. hanggang dyan lang ba ang kaya nating marating? hanggang ngayon, hindi pa rin tayo nakakapasok sa mahigpit ang pagkakapinid na gate ng mendiola. hindi kaya imbes na magpumilit tayong pumasok doon eh hayaan nating hipan tayo ng hangin hanggang tayo'y makalipad patungong loob? taoism? going with the flow? hindi naman siguro... ang sa akin lang, sa tuwing hindi natin nagugustuhan ang pamamalakad ng gobyerno o kaya naman ayaw natin sa kasalukuyang nakaupo sa pwesto, lagi na lang ba tayong tatambay sa edsa? o kaya nama'y makipagkiskisan ng siko sa mga businesmen ng ayala? at makaraan ang ilang oras, we are expecting for a change? gaz talaga... where have all the flowers gone? no, it's not the young girls who picked them. they were dried up by the blazing sun!

BIRTHDAY KO PO NGAYON! TARA SA BAHAY MAY INSTANT SPAGHETTI...

Saturday, July 02, 2005

We have just discovered a gold mine

...been always discovering one.

kasama ko ang kuba at ang isang malabo ang mata kanina upang sana ay dumalo sa poetry reading ng cegp... ngunit, unfortunately, hindi natuloy ang nasabing programa ng diumano...harharhar... pero in fairness sa pangyayari, hindi naman nauwi sa wala ang pagpunta namen dun... panu kase, ang ganda ng place... shaks... gustong gusto ko sa place na yun. sabi ko nga, this is how i want my future bookstore to look like... very cozy ang atmosphere... ang ganda ng music... ang sarap ng coffee... ang baet ng mga tao... at sana laging ganun ang mundo..

ayaw ko na dito sa bahay.. putang-inang buhay ito! putang-inang bahay ito! kung pwede lang murahin ang mga tao dito ng putang-ina, siguro nagawa ko na... gusto ko ng lumayas. gusto ko ng umalis dito. sana itakwil na lang ako ng mga magulang ko... palayasin... isumpa... hindi yung ganito... kung ganito rin lang... putang-ina pala...
MAHUSAY NA AKONG MAGMURA NGAYON... ISA ITO SA MGA NATUTUNAN KO SA BUHAY... sa totoo lang, hindi naman talaga ko paramura... ni minsan, hindi naging welcome sa bahay ang pagmumura. hindi ko rin kailanman naringgan ang nanay kong magmura. at hanggang highschool, tinularan ko siya. sobra akong nagiguilty pag may nabibigkas akong bad words. kadalasan pa nga, nagsosorry ako kay Lord ng palihim kapag may nababanggit akong masama. anong nangyari sa akin?
...hindi ko alam... nagising na lang ako isang araw na binibigkas ang isang malutong na PUTANG-INA! at simula noon ay parang natural na sa akin ang salitang yun. na parang sanay akong ito ang inihahain sa hapag sa twinang ako'y kakain. ang nakapagtataka, nauumid ang dila ko sa mura pag nasa bahay na ako. siguro dahil hanggang ngayon ay dala ko parin ang takot na mahuling nagmumura... kasi nga hindi ito allowed within the premises of our home not so sweet anymore home. pero sa tuwing parang gustong sumabog ng dibdib ko sa sobrang sama ng loob, napapamura ako ng palihim. at kapag ginagawa ko iyon ng palihim, parang may malaki at mabigat na bagay ang lalong nagpupumiglas mula sa aking kalooban... totoo, iba kase ang relief na nahahatid ng mura kapag ikaw ay galit... ngunit masama nga raw yun... sa palagay ko, hindi nga talaga makatarungan sa taong minumura mo ang pagsalitaan mo siya ng ganun. that's very degrading and demeaning... ngunit sa bugso ng damdamin, maiisip mo pa ba ang mararamdaman ng taong minumura mo? isa pa, masarap magmura, pramiz... pero isa ito sa mga bagay na gusto kong tanggalin sa sistema ko...