Bughaw ang Kulay ng Langit

Malakas lang ang ulan kaya hindi halata....

Thursday, January 27, 2005

I have always loved this song...

What do you get when you fall in love
a guy with a pin to burst your bubble
that's what you get for all your trouble
I'll never fall in love again

What do you get when you fall in love
you get enough tears to fill an ocean
that's what you get for your devotion
I'll never fall in love again

Don't tell me what it's all about
Coz I've been there and I'm glad I'm out
out of those chains, those chains that bind you
that is why I'm here to remind you

What do you get when you kiss a guy
You get enough germs to catch pneumonia
after you do he'll never phone you
I'll never fall in love again

What do you get when you fall in love
you only get lies and pains and sorrow
so for at least until tomorrow
I'll never fall in love again

I'LL NEVER FALL IN LOVE AGAIN...

Sunday, January 23, 2005

another day has gone

so what?
i still have tomorrow to look forward to
i still have to do something else besides being bothered by a wound i know will never heal...

i know in time i'll have the courage to move on...
i know someday i'll meet new friends, i'll have new hopes, i'll build new castles of dreams... and they'll be gone from me just like any other friends, hopes and dreams that came and went my way...
but i have to send them away just as much as i have greeted them when they first stepped my way...

and the wheels should continue moving...
the engine will keep on running...
and so i must not rest...

the sun has set... and i have to wait for it to rise again for the morrow...

Friday, January 21, 2005

Kalayaan...

Ooops... mali ang iniisip niyo...
Hindi ko pa naman pupunitin ang aking sedula...
Aba, mahal ata ang binayad ko dun para punitin lang...
Wala rin akong oras para magsisigaw sa lansangan
upang igawad ang ninanais na kalayaan...

Higit pa duon ang gusto...
Higit pa sa materyosong kalayaan ang nais ko...
Gusto ko nang kumawala sa bigat na dumadagan
Ngayon sa aking dibdib...
Sana'y mawala na ang lahat ng mga agam-agam...
Nawa'y mabura na ang lahat ng mga alalahanin...
Kung tama ba ang aking ginagawa..

Tama bang hindi na lang ako magsalita
O, hindi kumibo kaya?
Tama bang manahimik na lang ako at 'wag nang magparamdam pa
Tama bang manatili na lang akong naghihintay
sa bagay na hindi ko alam kung darating pa?
Maibabalik ba ng aking pananahimik ang dati kong sinta?

Sunday, January 16, 2005

May bukas pa mamaya... (ano daw?)

hinay hinay lang sa paglagok
maraming laman na rin ng ilang bote ang naubos mo...
'wag mong lunurin ang iyong sarili sa
espiritong mamaya lang ay maglalaho rin
na magiging dahilan upang muling magpakalunod

tama na muna iyan...
isang basyo na rin ang nariyan sa gilid mo
magtimpla ka muna ng mainit na kape
sabay ibuhos mo sa iyong mukha
nang medyo mahimasmasan ka naman ng bahagya

malapit nang tumilaok ang manok
magpahinga ka na muna at piliting 'wag mag-isip
nang malimot mo rin ang natitira pang likido sa hawak mong baso
sikapin mo munang marating ang dilim ng kawalang malay
at doon, simulan mong mangarap at magpanggap

tigilan mo na munang magpakalango sa alak
upang kahit saglit ay gumaan ang tangang bigat ng pag-ibig
ihilig mo na muna ang iyong ulo dito...
sa mga unang nagdulot upang malimot mo ang lahat...
at mamaya, ipapaalala ko, ang natira mong inumin sa baso.

Saturday, January 15, 2005

Pasensya na, sarili ko lang ang iniisip ko

Ilang buwan na rin akong ganito
hindi ko alam ngunit napapansin kong
unti unti nang nagbabago ang ako...
hindi ko na matagpuan pa ngayon ang dating
mga ngiti na sa tuwing umaga na lang
ay masuyo at matamis na bumabati sa akin
sa harap ng salamin
mahaba man ang tulog o hindi...

hindi ko na rin naririnig ang mga matang
sa tuwi-tuwina'y umaawit upang
batiin ang panibagong umaga...
wala na ang pisnging humpak man
ay malusog naman sa pagmamahal...

nasaan, nasaan...
ilang buwan na rin mula nang
huli kong masilayan...

bakit hindi ko magawang ibalik muli
ang larawang iyon?
dahil ba ako'y nalulunod sa pighati?
na kung itatabi mo sa dinaranas ng iba'y
para kang nagkumpara ng araw sa kalawakan...
araw ang sa akin, ang sa iba'y kalawakan
na maituturing na bulong ang aking hiyaw
kung itutulad sa kanilang pagtangis...

nasaan, nasaan...
sa isang karampot na kabiguan
bakit hindi ko magawang ipagpatuloy
ang buhay
na nananatiling maganda ang
pananaw sa bawat araw...

nasaan, nasaan...
ang aking tiwalang nagkalamat
dahil lamang sa kaunting pagsubok

...

bakit ba sarili ko na lang lagi
ang iniisip ko?

...

ah... wala naman kasing ibang mag-iisip pa
sa akin

...

sila ma'y sarili rin lang nila ang
iniisip

...

silang nanakit, silang nagtaksil

...

maging silang mga biktima

...

iniisip ko rin sila... kaya higit
akong nasasaktan

...

nasasaktan ako dahil iniisip ko rin
ang sarili ko

...

pasensya na...

Sunday, January 09, 2005

Isa akong baliw!

"Inaakalang baliw ng mga tao ang hindi kagaya nila sa paghahaka." - Sa Bahay ng Pilosopo - Noli Me Tangere

Masarap ngumiti sa harap ng scanner. Masarap kopyahin ang iyong mukha sa pamamagitan ng scanner... Masarap magpakabaliw. Hindi baleng lumabo ang mata sanhi ng nakakasilaw na liwanag na dulot ng scanner... Masarap gawin ito... Maibsan man lang kahit paano ang hinagpis na naghahari sa puso... Posted by Hello

Saturday, January 01, 2005

I wish I'm dead...

Death is the eternal beginning of the end...